(copied from Sarah =p)
1. Ano'ng byahe ng jeep ang madalas mong sakyan?
"Crossing-Calamba <-> UP College" =p Pero hindi na masyado, dahil sa Metro Manila na ako pumapasok para sa trabaho. =D
2. Ano'ng oras ka bumibyahe?
Dati, iba-iba, kung kelan ko trip -- kahit hapon na. =p Pero simula nung mag-staffhouse na kami, sabay-sabay na kami pumapasok. Sabay-sabay na tanghali. =p Hanggang nagka-service naman kami. =p
3. Magkano pamasahe mo?
Ngayong may service na, wala na. =p
4. Gaano katagal ang byahe mo?
Ngayong may service na, mga 1 hour.
5. Saan ka madalas umupo sa fx?
Dati, sa pinaka-likod, dahil alam kong huli naman ako bababa (Dasma <-> Calamba). Ngayon, kahit saan na. =D
6 . Mahilig ka ba sumakay sa "patok"?
Di ko alam yung "patok"..
7. Bakit?
N/A
8. Habang nasa byahe, paano ka nagpapalipas ng oras?
Natutulog! =p Pero kung hindi ako makatulog, tingin-tingin sa scenery.. Kahit paulit-ulit ko nang nakikita, di naman ako mabilis magsawa, dahil laging may bagong makikita. =)
9. Nakakatulog ka ba sa byahe?
Lagi! Kahit jeep, kahit trike! =p Sa ordinary bus lang sa Metro Manila ako hindi nakakatulog dahl sa usok..
10. Anong radio station ang madalas mong ma-tyempuhang pinakikinggan ng driver?
Double-R.
11. Gusto mo ba ng loud music?
No. Well, most of the time. =p
12. Ano'ng sinasabi mo kapag bababa ka na?
"Sa tabi lang ho!"
13. Naranasan mo na bang di magbayad sa driver?
Madaming beses na. Dahil minsan, di pa ako nakakapagbayad, tulog na ako agad! =p Pinaka-malaki kong hindi nabayaran, bus mula Cubao hanggang LB! Kasabay ko si Frank, tapos akala nya, nagbayad na ako, baka hindi lang nya napansin. E, tulog na nga ako.. =p
14. May nakaaway ka na ba sa jeep?
Wala pa. "Mapagbigay" ako pag sa public transport. =p
15. Mahilig ka bang manlibre ng pamasahe?
Yup. =D Basta si Kei! =p
16. Mahilig ka naman bang magpalibre?
Syempre! =D Basta hindi kay Kei.. =p
17. Paano ka nagre-react kapag biglang nagpreno?
*kunot noo*
18. Naranasan mo na bang di masuklian?
Yup. Pag sinabing "mamaya na yung sukli, wala pang barya", minsan nawawala na rin sa isip ko na ipaalala. Pinakamalaki ko pa lang naman na di nakuhang sukli, P35 sa P50 na binayad ko mula Crossing-Calamba hanggang Anos.
19. Nakalampas ka na ba sa biyahe?
Madalas! Umabot na ako sa Megamall, kahit sa Ayala lang ako bababa mula Laguna.. Umabot na ako sa Bay, kahit sa LB lang ako bababa.. At least, di pa ako umabot sa Sta. Cruz -- pero may kakilala ako na umabot na.. :-"
20. Sa anong dahilan?
Dahil nga tulog ako.. Kahit sobrang nakapagpahinga na ako bago bumyahe, nakakatulog pa rin ako sa byahe!
22. Naranasan mo na bang hindi pagbayarin ng mismong driver ng jeep?
Yup. Kakilala ni Kei yung driver! =D
23. Naranasan mo na bang ma-stranded sa daan?
Yup. Madali ma-stranded pag madaling araw. =p
24. Na-hold-up ka na ba?
Hindi pa naman. Pero nadukutan na ako. Twice na.
25. Nasuka ka na ba sa biyahe?
Nung bata pa ako, dalawa kaming magkapatid na mahina sa byahe. Pero nung high school, kelangan ko na masanay. At nasanay naman. =p
Can I just say…
1 year ago
No comments:
Post a Comment